Paghingi ng paumanhin ni Erwin Tulfo hindi basehan ng PNP para ibalik ang kanyang security escort

 

Nakadepende pa rin sa magiging assessment ng Review Committee ng Police Security Protection Group o PSPG kung ibabalik ang Security escort ng brodkaster na si Erwin Tulfo at mga kapatid nito.

 

Ito ang sinabi ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde kahit na humingi na ng paumanhin kay Social Welfare Secretary Rolando Bautista, sa PNP at sa AFP si Erwin Tulfo matapos ang pambabastos nito kay Sec. Bautista sa kanyang radio program.

 

Sinabi ni Albayalde kailangan mag apply ulit ng Police security escort ang mga Tulfo at dumaan sa tamang proseso katulad ng mga ginagawa ng ibang aplikante.


 

Mahalaga ayon sa opisyal na matukoy ang level of threat sa mga Tulfo bago maaprobahan ang panibagong police security escort.

 

Isa rin sa pagbabasehan aniya ng PNP ay ang good moral character ng isang aplikante.

 

Unang pinaliwanag ng PNP na kaya nila inalis ang Police security Escort sa magkakapatid na Tulfo ay dahil parte ito ng regular review sa mga police escort kung saan kailangan silang i recall.

 

Pero kahapon inamin ni Albayalde na isang factor kaya binawi ang walong police escort sa mga tulfo ay dahil sa pambabastos ni Erwin Tulfo kay Sec. Bautista.

Facebook Comments