Dumptruck Driver at Sumaklolong Residente, Patay matapos Makuryente

2458

Cauayan City, Isabela-Agad na binawian ng buhay ang dalawang katao makaraang makuryente sa linya ng ISELCO bandang 9:40 kaninang umaga sa Brgy. Nakar, San Guillermo, Isabela.

Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Salvador Wigan, 48-anyos, may-asawa, isang driver at residente ng Brgy. Salay, Angadanan at Florentino Manuel, 62-anyos, may-asawa at residente ng Brgy. Nakar, San Guillermo.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya, sumabit ang likurang bahagi ng truck sa kuryente ng linya ng ISELCO-1 habang ang biktimang si Manuel ay sinubukang tulungan ang driver ng truck kung saan kapwa silang nakuryente at nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Agad namang isinugod sa pagamutan ang mga biktima para sa atensyong medikal subalit idineklarang dead on arrival ang mga ito ng sumuring doktor.

Lumabas pa sa imbestigasyon na ang dalawang (2) gulong mh dumptruck ay nasunog rin dahil sa matinding daloy ng kuryente sa nasabing sasakyan.

Facebook Comments