Pinoy Boxing Champ Jerwin Ancajas, nasa Los Angeles na para asikasuhin ang magiging laban bago matapos ang taon

47

Nasa Los Angeles, California na si International Boxing Federation (IBF) Super-Flyweight Champ Jerwin Ancajas para asikasuhin ang kanyang title defense ngayon taon kung saan kasama nitong dumating ng L.A. ang trainer na si Joven Mendez.

Nabatid na nais ni Top Rank Promotions Chairman Bob Arum na makita ng personal si Ancajas at malaman ang kondisyon nito bago siya mag-desisiyon kung isasabak ba niya ito sa boxing ring.

Sinabi naman ng trainer na ni Ancajas na nasa kondisyon ang kaniyang alaga at sa katunayan, nakapagsagawa pa ito ng eight-round sparring pagdating na pagdating ng L.A.

Matatandaan na dalawang beses nang hindi natuloy ang title defense ni Ancajas dahil sa COVID-19 pandemic at nais ni Arum na tumatayong isa sa mga promoter nito na magkaroon ng isang magandang laban ang pinoy boxing champ.

Facebook Comments