Isang grupo ng mga Ilonggo ang dumulog sa Presidential Electoral Tribunal o PET para hilingin ang pagkonsidera sa 25-porsyentong threshold ng shade ng mga boto noong 2016 Vice Presidential Elections
Ang nasabing apela sa PET ay Pinangunahan ni Cynthia Patag.
Kalakip ng liham ng grupo ang 5,500 lagda ng mga botante mula sa Iloilo province
Naniniwala ang grupo na maaring malabag ng PET ang sarili nitong mandato kung igigiit na dapat ay 50-porsyento ang threshold na gagamitin sa manual recount sa election protest ni dating Sen. Bong Bong Marcos laban kay Vice President Leni Robredo.
Sinabi ng grupo ni Patag na mababalewala ang kanilang boto kung 50-percent ang gagamiting threshold ng PET sa recount.
Facebook Comments