Duque at Garin, kibit-balikat lang sa mga bagong Dengvaxia complaints

57

Dumipensa sina Iloilo Representative Janette Garin at Health Secretary Francisco Duque III sa mga bagong reklamong inihain laban sa kanila ng halos 100 pamilya dahil sa pagkamatay ng kanilang mga bata matapos maturukan ng anti-dengue vaccine na Dengvaxia.

Ayon kay Garin, ang mga reklamo laban sa kanya ay isa lamang public relations stunt ng mga taong kontra sa pagpapabakuna.


Iginiit ni Garin na ang siyensya at ang mundo na ang nagsasabi na ligtas at epektibo ang dengue vaccine.

Para naman kay Duque, walang basehan ang mga reklamo at ibinasura na ng Department of Justice (DOJ) ang mga naunang reklamo laban sa kanya.

Pero naiintindihan ni Duque ang sentimiyento ng mga nagluluksang pamilyang nagsampa ng complaints.

Facebook Comments