Senior Citizen, Arestado sa Pag-iingat ng mga Baril at Bala

38

Cauayan City, Isabela- Dinakip ng mga kasapi ng Cordon Police Station ang isang sebior citizen dahil sa pag-iingat nito ng mga illegal na baril at bala sa Brgy. Quezon ng nasabing bayan.

Kinilala ang akusado na si Warlito Pinapit, 60 taong gulang, walang asawa, magsasaka at residente ng nabanggit na barangay.


Una rito, isinilbi ng PNP Cordon ang search warrant na inilabas ni hukom Anastacio Anghad ng RTC, 2nd Judicial Region Santiago City sa pangunguna ni PMaj Alford Accad, hepe ng pulisya dahil sa paglabag sa RA 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act“.

Nang maisilbi ang search warrant sa bahay ng suspek ay narekober ang isang (1) Cal 38 revolver, isang (1) Razbal Air Rifle Cal 22, isang (1) airgun rifle at tatlong (3) piraso ng bala ng 38 revolver.

Agad na dinala sa himpilan ng pulisya ang suspek kasama ang mga narekober na baril at bala para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.

Facebook Comments