Dutch Government, nagbitiw sa puwesto kasunod ng childcare benefits scandal

Nagbitiw sa kanilang puwesto ang Dutch Government kasunod ng childcare benefits scandal.

Ayon kay Dutch Prime Minister Mark Rutte, sama-samang nagsumite ng resignation ang buong pamahalaan ng Dutch dahil sa umano’y maling pangangasiwa ng childcare subsidies.

Nabatid na aabot sa 10,000 pamilya ang napilitang magbayad ng subsidiya na aabot sa libu-libong Euros kasunod ng parliamentary inquiry noong nakalipas na linggo kung saan napatunayang nagkamali ang mga bureaucrats sa tax service.


Facebook Comments