Hinamon ni United Nation Special Rapporteur Agnes Callamard ang Duterte administration na patunayan sa gawa at hindi lang sa salita ang pagpapahalaga sa karapatang pantao, konstitusyon at demokrasya.
Ayon kay Callamard, maaari itong ipakita ng administrasyon sa pagpapalaya ng mga political prisoner partikular si Senator Leila de Lima.
Maliban dito, dapat na rin aniyang iurong na ang mga kasong kriminal laban kay Rappler CEO Maria Ressa.
Giit pa ni Callamard, mas nararapat na pahalagahan ang mga independent journalist, human rights defenders civil society at mga opisyal ng gobyerno sa halip na puntiryahin ang mga ito.
Facebook Comments