Humiling ang Duterte administration sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ng ₱540 billion provisional advance na magsisilbi bilang budgetary support sa gitna ng deficit financing dahil sa COVID-19 pandemic.
Ayon kay BSP Governor Benjamin Diokno, tatalakayin muna ito sa Monetary Board (MB) kung saan maaaring bayaran ng national government bago matapos ang taon sa zero interest.
Matatandaan na noong Marso, bumili ang BSP ng nasa ₱300 billion na halaga ng securities mula sa Bureau of the Treasury (BTr) para suportahan ang mga programa ng gobyerno laban sa pandemya.
Facebook Comments