Duterte Coalition, tahimik pa rin sa ginawang endorsement ni Pangulong Duterte sa speakership race

Tikom pa rin ang Duterte Coalition sa pagendorso ni Pangulong Duterte kay Taguig Rep. Alan Peter Cayetano bilang House Speaker ngayong 18th Congress kung saan ka-term sharing nito si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco.

 

Ayon sa tagapagsalita ng Duterte Coalition na si Davao City Rep. Mylene Garcia-Albano, wala pang opisyal na pahayag ang kanilang hanay kaugnay sa bagong rebelasyon ng Pangulo.

 

Hindi rin sigurado kung makakapag-isyu sila agad ngayon ng statement tungkol dito.


 

Matatandaan na si Davao City 3rd District Rep. Isidro Ungab ang manok ng Duterte Coalition para maging speaker na iba naman sa inendorso ng Pangulo bilang lider ng Kamara.

 

Isa naman si Cayetano kasama na ang ibang speaker aspirants na inimbitahang umanib sa Duterte Coalition para magkaisa na isulong ang mga priority legistlation ng administrasyon sa mababang kapulungan.

 

Samantala, kung wala pang pahayag ang Duterte Coalition, hinikayat naman ni Cayetano ang mga kasamahang mambabatas na umanib sa tinatawag niyang Die-hard Duterte Super Majority (DDSM) at makiisa sa pagsusulong ng mga programa ng pamahalaan sa natitirang 3 taon ng administrasyon.

Facebook Comments