‘Duterte duwag’ trending sa Twitter

Courtesy: @alanjay

the DD in DDS stands for DUTERTE DUWAG

— margeau (@IemonpopsicIe) June 20, 2019

Trending sa local Twitter ang mga salitang “Duterte duwag” o “Duterte coward” dahil sa mga batikos kay Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng reaksyon nito sa isyu ng banggaan ng bangkang pangisda at Chinese vessel sa Recto Bank sa West Philippine Sea.


Ikinagalit ng marami ang naging pahayag ng pangulo na “little maritime accident” o maliit na aksidente lang umano ang nangyari sa Recto Bank, matapos ang halos isang linggong pananahimik nito.

Ayon pa kay Duterte, hindi aniya ito sapat na dahilan para magpadala ng Philippine Navy sa lugar at magsimula ng giyera.

Giit ng ibang netizens, hindi giyera o karahasan ang pinag-uusapan sa nasabing issue.

Kinumpirma na ng China na kanila ang barkong bumangga sa bangkang pangisda na lulan ang 22 mangingisda, ngunit hindi humingi ng paumanhin.

Inabandona ng Chinese crew ang mga mangingisda na ilang oras nagpalutang-lutang sa dagat bago masagip ng mga mangingisdang Vietnamese.

Usap-usapan din ang pagbisita ni Department of Agriculture Secretary Manny Piñol sa Occidental Mindoro kasama ang mga pulis na naka-full riot gear para bigyan ng bangka, mga gamit pangisda, at bigas ang mga apektadong mangingisda.

Kasunod nito ang pagbabago ng pahayag ng kapitan ng FB GEM-VER na nagsabing hindi na siya sigurado kung talagang nabangga ang kanilang bangka.

Facebook Comments