Pumanaw na ang beteranong aktor na si Eddie Garcia

Base sa medical bulletin number 6 na pirmado ni Dr. Artemnio Cabrera Salvador ng Makati Medical Center,  alas 4:55 kaninang hapon nang tuluyang binawian ng buhay ang 90-anyos na aktor.

 

Ilang araw ding comatose si Eddie matapos na maaksidente sa taping ng bago niyang teleserye noong June 8.

 

Nagpaabot naman ng pakikiramay at dasal para sa naulilang pamilya ng aktor ang kanyang mga kaibigan at kapwa-artista.


Facebook Comments