Nakatutok ang Office of the President sa mga lugar na inaasahang tatamaan ng bagyong Tisoy.
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Spokesman Salvador Panelo, 24/7 naka stand by ang mga ahensiya ng pamahalaang may kinalaman sa disaster and relief operations.
Patuloy aniya nilang minomonitor ang sitwasyon sa mga lugar na dadaanan ni Tisoy partikular sa bahagi ng ng Camarines Norte na kung saan 434 na mga pamilya o katumbas ng 1,328 indibidwal ang inilikas mula sa mga bayan ng Basud, Jose Panganiban, at Vinzons.
Bukod dito ay hawak na rin ng DSWD ang may 2 bilyong pisong stand by funds na magagamit para sa anumang kakailanganin sa pagtama ng kalamidad.
Panawagan naman ng Palasyo sa publiko na manatiling naka- alerto at tiyaking updated sa pinakahuling weather advisory sa kani- kanilang mga lugar.