Duterte, May Napili Ng House Speaker

17

MANILA – Bagamat hindi pa ganap na naipoproklamang susunod na Pangulo ng bansa si presumptive President Rodrigo Duterte, nakapili na ito ng magiging House Speaker.Sa text message ni Davao City Rep. Karlo Alexie Nograles, nais ni Duterte na maging House Speaker si Davao del Norte First District Rep. Pantaleon “Bebot” Alvarez (PDP-Laban).Si Alvarez ay isa sa ilang pinagkakatiwalaan at matagal ng kaibigan ni Duterte at nagsilbi bilang kongresista ng Davao del Norte mula 1998 hanggang 2001 at naging Assistant General Manager ng Manila International Airport Authority bago ito maging congressman.Bagamat si Nograles na pamangkin ni Duterte ang naunang maugong na uupong House Speaker sakaling ito ang maging Pangulo, handa naman siya na suportahan si Alvarez.Makakalaban naman ni Alvarez, sa nasabing posisyon si House Speaker Feliciano Belmonte ng Liberal Party (LP) na mayroon din malaking bilang ng supporters sa Mababang Kapulungan.

Facebook Comments