Ilang Kongresista, Nagpaabot Na Ng Pagbati Kay Duterte

15

MANILA – Maaga ding nagpaabot ng pagbati ang Bayan Muna Partylist sa Kamara sa overwhelming votes na nakuha ni presumptive President Davao City Mayor Rodrigo Duterte.Ayon kina Bayan Muna Reps. Carlos Zarate at Neri Colmenares, mismong ang nakakaraming Pilipino na ang nagsalita na talagang si Duterte ang kanilang pinipili na maging ama at pinuno ng bansa.Malaki aniya ang mababago sa kasaysayan at lagay ng bansa dahil sa unang pagkakataon ngayon lamang magkakaroon ng Pangulo mula sa Mindanao.Dahil dito, umaasa ang mga mambabatas na malaki ang pag-asang unang-unang maisusulong ang kasunduan sa mga komunista at rebeldeng grupo para sa matagal ng hinihintay na kapayapaan sa Mindanao region.Magiging kaisa din umano sila ng magiging Pangulo ng bansa sa pagbalangkas ng mga batas kaugnay sa kahirapan, kawalan ng tirahan at lupa, unemployment, kriminalidad, korapsyon, at paglabag sa karapatang pantao at ng bansa.

Facebook Comments