Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na pinagsisihan niya ang pagtakbo sa pinakamataas na posisyon sa bansa, na naipanalo niya noong 2016.
Kasunod ito ng aniya’y kabi-kabilang alegasyon ng korapsyon sa gobyerno, na umano’y nananatili pa ring pinakamalaking problema ng bansa.
Sinabi niya rin na wala pa siyang nakikitang solusyon sa “insurmountable” o hindi malunas-lunasang mga problema sa ngayon.
“Nawad-an ko og ganang motrabaho. Actually, nagmahay gyud ko. Nagmahay ko nidagan ko og presidente (Nawalan na ako ng gana magtrabaho. Actually, pinagsisihan ko. Pinagsisihan kong tumakbo pagka-presidente),” ani Duterte sa kanyang speech sa Cagayan de Oro, Miyerkules.
Dagdag ng pangulo, hindi na siya masaya at pagod na sa pagiging presidente.
Ito rin aniya ang dahilan kung bakit sinabihan niya si Davao City Mayor Sara Duterte na huwag nang tumakbo sa pagka-pangulo sa 2020.
Nagpahayag si Sarah Duterte nito lamang February na hindi niya isinasara ang posibilidad na maging presidential candidate.