Duterte, nilagdaan na ang batas na libreng wifi sa lahat ng transport terminal

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na naglalayong magkaroon ng libreng wifi at malinis na banyo sa lahat ng transport terminal sa inilabas ng kopya ng Malacañang nitong Miyerkules.

Nakalagay sa Republic Act 11311 na inuutos na dapat siguraduhin ng Department of Information and Communications Technology (DICT) kasama ng Department of Transportation (DOTr) na magkakaroon ng libreng internet ang mga Pilipino sa land transportation o (RORO) terminals.

Una nang pinirmahan ni Duterte noong Abril 17. Nakalagay din dito na magkakaroon ng sariling breadfeeding station at seperadong banyo para sa persons with disabilities (PWDs) maging babae at lalaki.


Magkakaroon ng P5,000 ang sinumang mahuhuling lalabag dito o kapag hindi nasigurong malinis ang mga banyo.

Mayroon ding penalty na P5,000 kung mahuhuling kumukolekta sila ng bayad sa mga pasahero.

Ayon sa batas, ino-obliga rin ang DOTr, DICT, Department of Health (DOH), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Philippine Ports Authority na sumunod sa regulasyon matapos ang 60 na araw nang pirmahan ito.

Facebook Comments