Duterte, sang-ayon na sa joint investigation sa recto bank incident

93

Sumasang-ayon na si Pangulong Duterte na magkaroon ng joint investigation ang nangyaring insidente sa recto bank.

 

Base sa pahayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, bukas si Duterte sa hirit ng embahada ng China na magkaroon na ng joint investigation sa pagitan ng Pilipinas at China tungkol sa nangyari sa recto bank.


 

Dagdag pa ni Panelo, bukas din ang pangulo sa early resolution ng kaso.

 

Ayon naman sa Chinese embassy, iminungkahi ng kanilang hanay na magkaroon ng joint investigation para magkapalitan ng initial findings at maayos ang sitwasyon sa pamamagitan ng friendly consultations.

 

Matatandaang wala pa ring malinaw na impormasyon dahil sa paiba-ibang pahayag ng mga pilipinong mangingisda tungkol sa insidente.

Facebook Comments

From Advertisers