Duterte, Tiniyak Na Makukulong Si De Lima – Senadora, Itinuturing Na Pinakamasamang Tao Sa Pilipinas Si Duterte

18

MANILA – Tinitiyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na makukulong si Senador Leila De Lima dahil sa umanoy pagkakasangkot nito sa ilegal na droga.Ayon sa pangulo, malakas ang ebidensyang hawak ng gobyerno laban sa senadora.Sa oras anya na matapos ang imbestigasyon ng house justice committee ay sasampahan na ng kaso si De Lima.Kabilang sa mga ebidensyang hawak ng pangulo ang sinasabing sex video ng senadora.Tinawag naman ni De Lima na kabastusan ang panibagong patutsada ni Pangulong Duterte.Susmaryosep naman ang naisagot ni Duterte sa tanong ni De Lima.Paliwanag ni Duterte, malabong mangyaring magkagusto siya kay De Lima dahil hindi naman siya guwardiya, hindi rin siya motorcycle cop at lalong hindi siya convict.

Facebook Comments