Pakikipag-Alyansa Sa China At Russia, Itutulak Ni Duterte

101

MANILA – Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na magbabago ang relasyon ng Pilipinas at Amerika sa loob ng kanyang administrasyon lalo na sa usapin ng kalakalan.Sa oath taking ng mga bagong opisyal ng Malacañang Press Corps, sinabi ng pangulo, nakahanda rin siyang makipag-usap sa China at Russia para sa paglalagay ng negosyo sa bansa.Gayunman, nilinaw ng pangulo na hindi papasok ang Pilipinas sa military alliance sa China.Samantala, muling isinulong ng pangulo ang pagbuhay sa death penalty para sa pagsugpo sa kriminalidad.Ayon sa pangulo, ito’y para matiyak na pagbabayaran ng mga kriminal ang kanilang mga kasalanan sakali mang hindi totoo ang Diyos.

Facebook Comments