Dutertenomics, inilunsad na ng Administrasyon

Manila, Philippines – Inilatag na ng Administrasyong Duterte ang Dutertenomics o ang plano ng administrayon para sa mapaganda ang ekonomiya ng bansa.

Kanina ay ipinrisinta sa publiko ang mga proyekto ng pamahalaan para mapaunlad ang ekonomiya ng bansa nila Executive Secretary Salvador Medialdea, Finance Secretary Sonny Dominguez, Budget Secretary Benjamin Diokno, Transportation Secretary Art Tugade, Socio Economic Planning Secretary Ernesto Pernia, Public Works Secretary Mark Villar, Communications Secretary Martin Andanar, Presidential Spokesman Ernesto Abella at BCDA President Vince Dizon.

Ayon kay Andanar, nakasentro ang Dutertenomics sa pagtatayo ng mga malalaking infrastructure projects na siyang magbibigay solusyon sa maraming issue sa bansa tulad trabaho, at mapalaki ang ekonomiya at mapaganda ang buhay ng mamamayan.


Sinabi naman ni Pernia na kailangang bilisan ang pagtatayo ng mga malalaking infrastructure projects para bumilis din ang pagpasok ng ng mga investments sa bansa.
Nation

Facebook Comments