Dutertenomics, inilunsad para sa mga mega-project ng administrasyon

Manila, Philippines – Pormal ng inilunsad ang “Dutertenomics” kung saan nakapaloob ang mga plano ng administrasyon para mapalago ang ekonomiya ng bansa.

Ayon kay Communications Secretary Martin Andanar, sentro ng “Dutertenomics” ang pagtatayo ng mga naglalakihang infrastructure projects para mapalakas pa ang ekonomiya, mabawasan ang kahirapan at maresolba ang congestion o pagsisikip sa Metro Manila.

Sinabi naman ni Transportation Secretary Arthur Tugade, na ilalabas nila sa Metro Manila ang ilan tanggapan para makabawas sa trapiko.


Ilang mga flights rin aniya ang ililipat sa Clark International Airport para maging mas maluwag ang airspace sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Maliban rito, nakatakda ring lagdaan sa Nobyembre nina Pangulong Rodrigo Duterte at japanese Prime Minister Shinzo Abe ang P227 million subway project na pakikinabangan ng mga residente sa Metro Manila.

Inaasahang magiging fully operational ang mga nasabing mega-project pagdating ng taong 2020.
Nation

Facebook Comments