Dwight Ramos, maglalaro na rin sa Japan B. League!

Isang star player na naman mula sa Gilas Pilipinas ang magbabahagi ng talento sa basketball sa Japan.

Ito ay matapos pumirma si Dwight Ramos ng kontrata sa Toyama Grouses sa Basketball Division 1 para sa 2021-2022 season ng Japan B. League.

Makakaharap ni Ramos ang ilan ding basketball players mula sa Philippine Basketball Association (PBA) at Gilas Pilipinas na sina Thirdy Ravena, Kiefer Ravena at magkapatid na sina Juan Gomez de Liaño at Javi Gomez de Liaño.


Kabilang na rin sa Japan B. League sina Kenmark Cariño, Bobby Ray Parks at Kobe Paras.

Facebook Comments