Dwight Ramos, out sa 2022 FIBA Asia Cup dahil sa injury

69
Photo Courtesy: SBP

Hindi makakalaro si Dwight Ramos sa 2022 FIBA Asia Cup sa susunod na linggo.

Ayon sa Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP), sa ngayon ay hindi nakakapag-ensayo ang 6-foot-4 star dahil sa nararanasan nitong ‘medial tibial stress syndrome o shin splints.’

Posibleng palitan muna ni Rhenz Abando si Ramos.


Si Abando ay naging bahagi ng Gilas Pilipinas nang makalaban nito ang New Zealand at India sa third window ng 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Samantala, unang makakalaban ng national team sa July 13 ang Lebanon; sa 15th ang India at sa 17th naman ang New Zealand.

Facebook Comments