DWKD RMN Cauayan, Nagsagawa ng Relief Operation sa mga Agta Community ng Rizal Cagayan!

Rizal, Cagayan – Pinangunahan ng DWKD RMN Cauayan ang pamamahagi ngayon ng relief goods sa mga indigenous people sa bayan ng Rizal Cagayan na naapektuhan din ng nagdaang bagyong ompong.

Katuwang dito ang Dr. Meneses Medical Clinic ng Tuguegarao City sa pamamahala ni Dra. Zsa Zsa Meneses, ang Winner Ka Pinoy, NewCore Industries, at RMN Foundation.

Isang daan at labin limang pamilya ng agta ang sasalubong sa grupo ng RMN Cauayan sa pangunguna ni Station Manager Cristopher Estolas at Radyoman Angelo Maguddayao, ganundin ang Meneses Medical Clinic Team kung saan ang pamamahagi ng relief goods ay isinasagawa sa gymnasium ng Poblacion Rizal, Cagayan.


Umugnay ang RMN Cauayan kay Dra. Meneses dahil sa may kalamidad man o wala ay nagbibigay umano ito ng community services tulad ng scholars at medical services lalo na sa mga katutubong agta.

Ayon kay Dra. Zsa Zsa Meneses may pre-identified families na umano silang tinutulungan dahil sa sila umano ay may kakulangan sa pamumuhay tulad ng kalusugan, edukasyon  at iba pa.

Samantala bukas ay pangungunahan parin ng RMN Cauayan ang pamamahagi ng relief goods sa mahigit apatnapung estudyante at special child sa Cauayan City South Central School, ang pinakamalaking paaralan sa pang-apat na distrito ng Isabela ngunit sa redistricting ay nasa pag-anim na distrito na ang Cauayan City.

Facebook Comments