Dwyane Wade, starting five na sa Cleveland Cavaliers

NBA – Papalitan na ni 3 time NBA Champion Dwyane Wade si J.R. Smith bilang starting shooting guard ng Cleveland Cavaliers.

Ito ang kinumpirma ni Coach Tyronn Lue sa isang interview kung saan pumirma kasi si Wade ng kontrata na walang kasiguraduhan sa kung ano ang magiging role niya sa koponan.

Makakasama ni Wade sina Derrick Rose, Lebron James, Jae Crowder at Kevin Love sa starting unit ng Cavs.


Maaalalang ang duo ni Lebron James at Dwyane Wade ay nakapagbigay ng dalawang kampeonato sa Miami Heat noong 2012 at 2013.

Facebook Comments