Lalaki sa China, nagrenta ng 600 na ad space para humingi ng sorry sa misis

Karaniwang paraan ng pagso-sorry ang pagbibigay ng bulaklak o kaya tsokolate pero isang babae sa China ang nakaisip na magrenta ng ad space sa mahigit 600 na taxi para humingi ng tawad sa kanyang misis. Nakasulat sa taxi ang mga katagang “Honey, I was wrong” at “Sweetie, forgive me.”
Batay sa kwento, nagkaroon ng pagtatalo ang mag-asawa na nagresulta sa paglayas ng misis nito.
Naging epektibo naman ang ginawa ng lalaki dahil ayon sa Chengu Business Daily, tumawag na ang misis ng nasabing lalaki at sinabing pinapatawad niya na ito.
Tinatayang nasa mahigit 3,000 yuan o higit sa P23,000 ang nagastos ng lalaki mapatawad lang siya ng kanyang asawa.

Facebook Comments