DXMY nagsagawa ng outreach program sa mga istudyanteng IPs

Halos tatlong daang mga mag aaral ng Kusiong Elementary School sa bayan ng Datu Odin Sinsuat Maguindanao ang nakabiyaya sa sa outreach program ng RMN Cotabato News Team katuwang ang mga staff ng MSU Maguindanao Graduate School ELT 235 , TOG 12 at Lions Cotabato Chapter.

Layunin ng aktibidad ay bilang pakikiisa ng DXMY sa pagdiriwang ng buwan ng mga kabataan ayon pa kay Station Manager / Anchorman Erwin Cabilbigan.

Nagkaloob ng Educational Equipment ang MSUELT sa mga guro at mga istudyante, habang pinasaya rin ang mga ito ng simpleng entertainment na ipinagkaloob ni “a man with a hundred voices” na si Don Nelson Luayon at nabusog sa feeding program ng DXMY .


Kaugnay nito, lubos naman ang naging kagalakan ng mga mag aaral ng Kusiong na karamihan ay mga Teduray, Nakiisa rin sa programa ang ilang mga magulang at mga residente ng Brgy. Kusiong.

Facebook Comments