Home AM Dylan Wang a.k.a. Dao Ming Si ng Meteor Garden 2018 bumisita sa Pinas

Dylan Wang a.k.a. Dao Ming Si ng Meteor Garden 2018 bumisita sa Pinas

0
Dylan Wang a.k.a. Dao Ming Si ng Meteor Garden 2018 bumisita sa Pinas
Image via Facebook/Bench

Buong-pusong pinasalamatan ni Dylan Wang ang mga Pinoy fans dahil sa walang-sawang pagtangkilik sa kanyang mga proyekto.

Sumikat si Wang dahil sa pagganap ng karakter ni Dao Ming Si sa 2018 Chinese adaptation ng Meteor Garden.


Nitong Sabado, naganap ang fan meet ni Wang sa Araneta Coliseum na inorganisa ng Bench. Siya ay bagong endorser ng kilalang clothing line sa bansa.

Ito rin ang unang pagkakataon dumalaw sa Pilipinas si Wang.

Ayon kay Wang, na-overwhelm siya sa buhos ng suporta mula sa mga tagahanga.

“Just like the weather, the Filipino people are very warm. I was welcomed warmly, and I’m really excited to be here,” wika ng aktor na isinalin sa Ingles.

Aniya, hindi siya magdadalawang isip na bumalik dito.

“I am overwhelmed and really thankful, because I have a lot of supporters even from outside China. And I want you to know that I will do my best to portray my future roles to make you all happy,” dagdag ni Wang.

Hindi naman napigilan ng mga fans kiligin nang makita ang Chinese actor.

 

Facebook Comments