Dani Barretto, sinabing magkaibigan lang sila Julia at Gerald

416
via Dani Barretto, Instagram/ Julia Barretto

May pahayag si Dani Barretto sa isyung kinakaharap ngayon kaugnay ng kumakalat na “sweet photos” nila Julia Barretto at Gerald Anderson.

Ayon kay Dani, magkaibigan lamang ang dalawa at nagkamustahan.


“@barrettodaniii: Nag usap lang sa party, at may chismosang nag decide na mag picture, cheating na agad? Bawal mag Hi sa isa’t isa? Bawal magkamustahan? Cheating na agad yun?! they worked together!! Of course they’re friends! PATI YUN BAWAL NA DIN?

Nag-reply naman ang isang fan ni Julia at sinabing ang lumabas sa larawan ay totoong cheating dahil ni-like ni Bea Alonzo ang mga ito.

“@barrettodaniii: Of course she will say that!!! Her photos can’t back up her allegations! Have you seen the photos? There is nothing wrong with them. Its just two people talking. What is so wrong about that?!

Una na ring ipinagtanggol ng ina ni Julia Barretto na si Marjorie at sinabing magkaibigan lamang ang dalawang ito dahil nagkasama ang dalawa sa isang pelikula.

Ani Marjorie, “I dont See anything wrong with this photo. They dont seem to be hiding. There are people around, and if im not mistaken, Julia was waving at someone. This is not a date. They know each other, they have worked together, they are friends.”

Trending ang “Julia”, “Gerald”, “Bea Alonzo” at “Joshua” simula kahapon hanggang sa kasalukuyan kaugnay ng alegasyon na third-party ng isang netizen na nagbahagi ng larawan.

Nagpahayag din si Bea Alonzo ng “ENOUGH” post sa Instagram na inakala ng netizens na kumpirmasyong may cheating na naganap sa kanilang relasyon.

Facebook Comments

From Advertisers