DYRI RMN Iloilo at iFM 95.1 Iloilo, nananatiling number 1!

Iloilo City – Muling kinilala ang DYRI 774 at 95.1 iFM bilang numero unong radio network sa buong Iloilo City.

Naging mahigpit ang laban dahil parehong nakakuha ng 26 percent na market share ang RMN-DYRI at iFM at ang Aksyon, Love Radio at Easy Rock.

Batay pa sa survey ng Kantar Media na isinagawa noong November 2018, pumangalawa lang ang Bombo/Star FM; pangatlo ang Super Radyo/Barangay FM at pang-apat naman ang MOR Iloilo ng ABS-CBN.


Taos puso namang nagpasalamat sina DYRI RMN Iloilo station manager, Radyoman Ronel Sorbito at iFM 95.1 station manager, Radyoman Roderick Cejes at ang buong team Radyoman sa tiwala at suporta na patuloy na ibinibigay ng kanilang mga tagapakinig.

Congratulations mga Radyoman!

Facebook Comments