Operasyon ng Heathrow Airport, pansamantalang sinuspinde

London, United Kingdom – Pansamantalang sinuspinde ang operasyon ng Heathrow Airport matapos mamataan ang isang drone.

Ayon sa pamunuan ng paliparan, nakikipagtulungan na sila sa mga awtoridad para mapigilan ang anumang banta sa seguridad.

Itinigil din ang ilang flight departure habang isinasagawa ang imbestigasyon.


Humingi ng paumanhin ang pamunuan ng paliparan sa mga naabalang pasahero.

Ang Heathrow ay kasalukuyang 7th busiest airport sa buong mundo pagdating sa bilang ng mga pasahero na nitong 2017 ay tinatayang nasa 78 milyon.

Facebook Comments