DZXL 558 RMN Manila, nananatiling matatag sa latest AM Nielsen survey

Manila, Philippines – nananatiling matatag ang DZXL 558 RMN manila sa latest AM Nielsen survey.

Sa AM survey result para sa December 2018, nasa pang-apat na pwesto ang DZXL 558 para sa Metro Manila area kung saan mayroon itong 26% na exclusive audience share at time spent listening per week na nasa 20%.

Sa Mega Manila Area, nasungkit ng DZXL ang pang-limang pwesto na may 41% exclusive audience share at 19% time spent listening per week.


Kaugnay nito, pinasalamatan ni Mr. Buddy Oberas, IOC Station Manager ng DZXL-RMN Manila ang lahat ng mga avid at bagong tagapakinig sa mga programa ng istasyon.

Mas pag-iibayuhin pa ng DZXL 558 – RMN Manila ang pagbibigay ng serbisyo publiko, partikular ang pagbibigay ng trabaho sa tulong ng programang radyo trabaho.

Facebook Comments