DZXL Pulso ng Metro, mag-iikot sa lungsod ng San Juan ngayong araw

Muling mag-iikot ngayong araw ang team ng Pulso ng Metro ng DZXL Radyo Trabaho sa San Juan City.

Kasama ang pangunahing anchor ng programa na si Ronnie Ramos, magsasagawa ng stickering campaign ang team sa mga terminal ng tricycle at jeep upang maipakilala ang layunin ng programa.

Aalamin din ng Pulso ng Metro ang mga ginagawa nilang pag-iingat ngayong nasa General Community Quarantine (GCQ) ang Metro Manila at kanilang pagsabay sa tinatawag na “new normal”.


Bukod dito, aalamin din ng Pulso ng Metro ang mga pangangailangan o problema ng kanilang lugar ngayong nasa harap tayo ng pandemya kung saan dito maaaring mailapit ng programa ang kanilang mga hinaing sa kinauukulan.

Ang programang Pulso ng Metro ng DZXL Radyo Trabaho ay inyong mapapakinggan tuwing alas-6:30 ng umaga, alas-12:30 ng at alas-6:00 ng gabi, Lunes hanggang Biyernes.

Manatiling nakatutok sa mga programa ng DZXL 558 Radyo Trabaho dahil baka ang inyong lugar na ang aming sunod na bisitahin.

Facebook Comments