Vic Sotto, nagsalita na sa mga namba-bash sa anak na si Baby Tali

294
Photo Courtesy: Marie Pauleen Luna-Sotto | Instagram

Nagsalita na si Bossing Vic Sotto tungkol sa pamba-bash na natanggap kamakailan ng kanyang two-year-old baby na si Tali Sotto.

Sa panayam, sinabi ni Bossing Vic na sa kabila ng pambabatikos na natatanggap ng kanyang bunsong anak, mas mahalaga pa rin na mas marami siyang napapasaya at napapangiti sa araw-araw.

Say ng Eat Bulaga host, hindi na lang niya pinapansin at ipinagpapasa-Diyos na lamang niya ang mga nanlalait at hindi natutuwa kay tali.

Kasabay nito, nanawagan ang actor-host sa mga netizen na maging responsable sa paggamit ng social media.

Una nang kinumpronta at pinaalalalahan ni Pauleen Luna ang netizen na nanlalait sa kanilang anak.

Facebook Comments