DZXL Radyo Trabaho at Parañaque City Public Employment Service Office, magsasagawa ng job fair ngayong araw

Handang-handa na ang DZXL Radyo Trabaho team upang suportahan ang isasagawang job fair ng Parañaque City Public Employment Service Office (PESO) at ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Ayala Malls Manila Bay, Barangay Tambo sa Parañaque City.

Pinayuhan ng DZXL Radyo Trabaho team ang nais na mag-apply na magdala ng higit sa limang resume dahil maraming pwedeng aplayan sa Job Fair 2022 ng City Government ng Parañaque at PESO Parañaque sa pakikipagtulungan ng DZXL 558 Radyo Trabaho.

Ito ng regalong trabaho handog ni Parañaque City Mayor Eric Olivarez sa mga taga-Parañaque.


Nasa 54 na kompanya ang makikiisa rito kung saan mayroong 3,646 job vacancies.

Magsisimula ang job fair mamayang alas-10:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon sa Ayala Malls Manila Bay, Barangay Tambo sa Parañaque City at mayroong libreng sakay mula Baclaran papuntang Ayala Malls sa mga walang pamasahe na aplikante.

Samantala, maari kayong personal na magsumite ng inyong resume sa DZXL Radyo Trabaho dahil nangangailangan pa rin tayo ng reporter at news writer o kaya maaari ding magsadya sa aming himpilan sa 4th floor ng GCC Mall, Guadalupe Nuevo, EDSA, Makati City.

Facebook Comments