DZXL Radyo Trabaho booth sa ika-2 araw ng Kabisig Philippine Government Expo and Trade Fair, dinagsa ng mga aplikante

 

 

February 27, 2019 | Umabot ng all-time high na 50 individuals ang naserbisyuhan ng DZXL Radyo Trabaho ngayong araw.

 

Ayon kay Glen del Rosario, DZXL Radyo Trabaho coordinator – malaki ang naging papel at tulong ng Kabisig Expo and Trade Fair na ito dahil nagkaroon ng pagkakataon ang DZXL na maipakilala at personal na mailapit ang programa sa mga tagapakinig lalo na sa mga naghahanap ng trabaho.

 

 

Bukod sa mga actual referals o endorsement, may mga nakatakda ring bumalik na mga aplikante dala ang kanilang mga applications upang mai-endorso rin sa tamang employer.


 

Labis naman ang pasasalamat ni Kabisig Peoples’ Chairman Danny Guillen sa tagumpay ng ika-2 araw Kabisig Philippine Government Expo and Trade Fair

 

Pinasalamatan din ni Guillen ang pakikilahok at pagtulong ng RMN DZXL558 para makamit ang magandang resulta ng nasabing aktibidad.

 

Umaasa naman si Guillen na mula sa mensahe ng pangulo ay marami ang mae-engganyo na makilahok sa taunang proyekto na ito ng Kabisig People’s Movement.

 

 

Facebook Comments