Menor de edad sa Roxas, Isabela, Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165!

56

Roxas, Isabela- Arestado ang isang binatilyo sa kasong paglabag sa RA 9165 matapos isilbi ng mga otoridad ang Warrant of Arrest nito dakong alas kwatro ng hapon sa Brgy.Sotero Nuesa, Roxas, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, inaresto ng mga kasapi ng PNP Roxas ang menor de edad na itinago sa pangalang “Mike”, residente ng nasabing barangay sa bisa ng mandamiento de aresto na ipinalabas ni hukom Bernabe B. Mendoza RTC Branch 23, Roxas, Isabela dahil sa kasong paglabag sa RA 9165 o Dangerous Drugs Act.

Dinala na sa himpilan ng PNP Roxas ang binatilyo para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Samantala, may inirekomendang piyansa para sa kaniyang pansamantalang kalayaan na nagkakahalaga ng P200,000.00.

Facebook Comments