DZXL Radyo Trabaho, business as usual pa rin sa pagbibigay ng hanapbuhay kahit may COVID-19 pandemic

Kahit may COVID-19 pandemic ay tuloy pa rin ang pagtulong ng DZXL Radyo Trabaho sa pagbibigay ng hanapbuhay sa ating mga kababayan.

Isa rito si Melchor Oraa na isa na ngayong merchandiser sa ACABAR Marketing International INC.

Nagdesisyon si Melchor na lumapit sa ating himpilan para subukang makahanap ng trabaho matapos ang payo ng isa niyang kapitbahay.


Kwento ni Melchor, agad siyang tinulungan ng mga taga Radyo Trabaho Team at inirekomenda sa agency.

Hindi naman nabigo si Melchor at labis ang kaniyang pasasalamat habang nagpaabot na rin siya ng pagbati sa nalalapit na anibersaryo ng DZXL Radyo Trabaho at Radio Mindanao Network.

Facebook Comments