Supply ng bakuna na dumarating kada buwan, target pataasin ng gobyerno

Inihayag ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., na layon nilang mapataas pa ang supply ng bakuna sa bansa na dumarating kada buwan.

Ayon kay Galvez, nasa 3.5 million doses na kada linggo ang naituturok nila sa bansa at target naman nilang umabot sa 25 hanggang 30 million doses ang buwanang vaccine supply.

Aniya, ngayong Agosto lamang ay 8.2 million doses na ang dumating mula sa mga donasyon at binili ng gobyerno at mga pribadong sektor.


Hanggang nitong Agosto 12, nasa higit 12 million indibidwal na sa bansa ang fully vaccinated na laban sa COVID-19.

Facebook Comments