Handa na ang taunang OFW and Family Summit 2019 ng Villar Sipag o Social Institute for Poverty Alleviation and Governance.
Ito na ang kanilang ika-siyam ng taon na may temang ‘Kabuhayan Sa Sariling Bayan’.
Layunin nitong magbigay ng kaalaman sa mga OFW o kapamilya ng OFW na gustong magkaroon ng negosyo at kung papaano ba papalaguin ang kita sa abroad.
Kaya magpunta na mamayang alas-7:30 hanggang alas-4:00 ng hapon sa World Trade Center sa Pasay City.
Sa mga gustong magparehistro ay magdala lamang ng mga sumusunod:
- Passport ng OFW o kapamilya ng OFW
- Proof of remittances
- Seaman’s book
- Job contract
- Mga dokumento na magpapatunay ng relasyon sa OFW gaya ng marriage contract, birth certificate at valid IDs.
Ilan ding matagumpay na kwento ng ating mga kababayan sa abroad at dito sa Pilipinas ang masasaksihan sa mismong summit.
Bukod dyan ay may tyansa ang mga dadalo na manalo ng kabuhayan showcase, appliances at house and lot mula sa Camella Homes.
Samantala, bilang radio partner ay maaari din niyong bisitahin dyan ang booth ng DZXL Radyo Trabaho at mabigyan kayo ng gabay sa paghahanap ng trabaho mapa-local man o sa abroad.