DZXL Radyo Trabaho, muling bumisita sa PESO Manila

Muling binisita ng DZXL 558 Radyo Trabaho ang tanggapan ni Manila PESO Manager Fernan Bermejo.

Ito’y para alamin ang mga kasalukuyang programa ng kanilang tanggapan sa nakalipas na halos tatlong taon.

Sa pakikipag-ugnayan kay Bermejo, ipinagmalaki nito ang mga nagawa ng kanilang opisina sa naging termino ni Mayor Francisco “Isko” Moreno kung saan libo-libong residente ng Maynila ang nabigyan ng disente at marangal na trabaho.


Dagdag pa ni Bermejo, ang mga naging plano at program na nasimulan nila sa ilalim ng pamuno ni Mayor Isko ay siguradong maipagpapatuloy dahil siya pa rin ang mauupo bilang PESO Manager sa pagpasok ng administrasyon ni Mayor Elect Honey Lacuna-Pangan.

Bagama’t abala sa kaliwa’t kanang trabaho, iginiit ni Bermejo na malaking bagay pa rin ang magkaroon siya ng pagkakataon o oras na maka-ugnayan natin lalo na’t ang DZXL 558 Radyo Trabaho ay isa sa mga tumutulong para maipalaganap ang kanilang mga programa.

Dagdag pa ni Bermejo, kasalukuyan nagsasagawa sila ng job fair sa Universidad de Manila para matulungang magkatrabaho ang graduating students at alumni ng nabanggit na pamantasan.

Facebook Comments