Bagong variant ng “Pinoy Pandesal”, pinakilala na sa publiko

130
Photo Courtesy: Radyoman DK Zarate

Ipinakilala na sa consumers ng Department of Trade and Industry (DTI) ang isang variant ng Pinoy Pandesal.

Ngayong araw, pormal nang inilunsad sa Puregold Commonwealth ang bagong produkto ng tinapay na tinawag na “Pinoy Coco Pandesal” na gawa ng pinaghalong trigo at coconut flour.

 

 

 

 

Ang inisyatiba ay isinagawa upang mapagaan ang problema sa suplay ng harina dulot ng epekto ng giyera ng Russia at Ukraine.


Makakatulong din ito upang mapalakas ang kasapatan at seguridad ng pagkain ng bansa.

Mabibili ang isang supot ng coco pandesal sa halagang ₱23.50.

Bukod sa Puregold Commonwealth, magiging available din ito sa iba pang supermarkets at bakeries sa National Capital Region (NCR).



Kasama ng DTI Consumer Protection Group ang Department of Science and Technology (DOST) at Philippine Baking Industry sa paglulunsad ng bagong produkto sa nasabing supermarket.

Facebook Comments