DZXL Radyo Trabaho Team, bibisita sa Malabon City para sa courtesy call ng PESO

Papunta na ngayong umaga ang team ng DZXL Radyo Trabaho sa Lungsod ng Malabon.

Ito ay para makaharap at magpahatid ng pagbati sa bago at kauna unahang babaeng alkalde ng lungsod na si Mayor Jeannie Sandoval.

Kasabay nito ay magkakaroon rin ng courtesy call sa bagong Public Employment Service Office (Peso) Officer-in-Charge na si Luziel Balajadia.


Sa pangunguna ng ating DZXL Radyo Trabaho Station Manager Buddy Oberas ay pag-uusapan ng ating grupo at ng lokal na pamahalaan ng Malabon, kung papaano magtutulungan sa pagpapakalat ng mahahalagang impormasyon at proyekto ng lungsod.

Gayundin sa pag-aanunsyo ng ibat ibang programa, kaalaman at mga pagsasanay na may kinalaman sa trabaho.

Ilalatag naman natin ang mga programang nakapaloob sa DZXL Radyo Trabaho at ipakilala ang mga taong nasa likod at harap ng ating mga programa mula sa umaga hanggang sa gabi.

Matatandaan, November 2019 pa huling bumisita ang team sa tanggapan ng PESO sa pamumuno ni dating PESO Manager Marichelle Garcia-Cruz.

Sa Huwebes, lalabas muli ang DZXL Radyo Trabaho team para sa isang courtesy call sa PESO.

Pero, bago ito ay dalawang mega job fair ang abangan ninyo Bukas (araw ng Miyerkules), una rito ang food and job caravan ng Peso Las Pinas City sa Robinsons Place may kaunayan ito sa selebrasyon ng nutrition month; at face to face at virtual job fair ng Jobquest.ph sa SM Megamall, Megatrade Hall 3 sa Mandaluyong City.

Facebook Comments