DZXL Radyo Trabaho team, muling mag-iikot sa apat na Barangay para sa Katok Bahay Sorpresa Trabaho sa Tondo, Manila

Muling aarangkada ang team ng DZXL 558 Radyo Trabaho para mag-ikot sa apat na barangay para sa Katok Bahay Sorpresa Trabaho ngayong unang buwan ng Hunyo.

Una rito nag-ikot ang DZXL Radyo Trabaho team sa Pasay at Caloocan City at ngayong buwan ng Hunyo naman ay aming susuyurin at kakatukin ang lungsod ng Maynila

Bilang pasasalamat sa patuloy ninyong pagtangkilik at pagkilala sa Radyo Trabaho mayruon naman kaming dalang munting sorpresa sa apat na mga barangay.


Abangan ninyo kami sa mga naghahanap ng trabaho dahil bibisitahin ng Radyo Trabaho team ang Barangay 41 Barangay 48 at Barangay 50 at 53 sa Tondo Maynila

Samantala, sa mga marunong magmaneho at professional ang drivers license ang DZXL ay nangangailangan ng 2 patrol driver.

Sa mga interesado maari rin kayong magtungo sa DZXL Station sa Unit 806 Atlanta Center, Annapolis Street Greenhills, San Juan City o magpadala ng inyong mga updated resume sa radyotrabaho@gmail.com

Facebook Comments