P400,000 smuggled na sigarilyo nasabat ng CIDG sa Davao del Sur

 

Nakumpiska ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) katuwang ang Davao del Sur police sa pamamagitan ng OPLAN “Megashopper” ang nasa P400,000 halaga ng smuggled na sigarilyo.

Kinilala ang suspek na si alyas Rashdy 27 years old na nahulihan ng mga smuggled na sigarilyo na walang Graphic Health Warning Signs.

Kabilang sa mga nasabat ang mga:
– One (1) master case of D&J Menthol Cigarette;
– Two (2) master cases of D&J Menthol Cigarette;
– Five (5) master cases LE (Red) Cigarette;
– Four (4) reams of LE (Red) Cigarette;
– 47 reams PRESIDENT (Red) Cigarette;
– 30reams of CAPITAL (Red) Cigarette; and
– 26 reams of ROYAL Menthol Cigarette.


Sa ngayon, hawak na ng pulisya ang suspek at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso habang agad namang itinurn over ang mga kontrabando sa mga awtoridad para sa proper disposition.

Facebook Comments