DZXL Radyo Trabaho team, tutungo sa Provincial Capitol ng Laguna para sa PESO courtesy call

Papunta ngayong araw ang DZXL Radyo Trabaho team sa Provincial Capitol ng Laguna.

Ito ay para sa panibagong courtesy call sa tanggapan ni Provincial Public Employment Service Office o PESO Manager Mary Jane Corcuera.

Taong 2019, huling nakapunta ang ating grupo sa tanggapan ni Manager Corcuera.


Ang lalawigan ng Laguna ay binubuo ng anim na lungsod at 24 na munisipalidad.

Makasaysayan ang Laguna dahil dito ipinanganak ang ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal.

Pagtatanim ng palay, tubo, lanzones at iba pang citrus fruits ang ikinabubuhay ng iba nating kababayan sa Laguna, gayundin ang pangingisda at paglililok.

Itinuturing naman ang Laguna na resort capital ng bansa dahil higit sa 700 hot spring resorts ang matatagpuan sa Calamba at Los Baños,

Samantala, nandito rin ang nasa 21 economic zones, kabilang na rito ang Laguna Technopark sa Santa Rosa at Biñan.

Tahanan rin ang Laguna ng mga major vehicle manufacturers at business process outsourcing industry.

Ang mga industriyang ito ang nagpapalago sa ekonomiya at kabuhayan ng mga taga-Laguna, at sa muling pagbisita ng ating grupo kakamustahin natin ang mga industriyang ito sa nakalipas na dalawang taon ng pandemya.

Gayundin ang pagbuhay sa partnership ng Radyo Trabaho sa Provincial PESO ng Laguna.

Facebook Comments