Isang batikang broadcaster na si Percy Lapid, tinambangan, patay sa Las Piñas City

2463

Patay ang isang batikang mamamahayag, komentarista at dating Anchor ng DWIZ, makaraang tambangan at pagbabarilin pasado alas-8:30 kagabi ng hindi pa nakilalang mga salarin na magkaangkas sa motorsiklo sa Las Piñas City.

Kinilala ang biktima na si Percival Carag Mabasa o mas kilala bilang ‘Percy Lapid’, kasalukuyang radio commentator ng DWBL, at residente ng BF Resort Village, Talon Dos, Las Piñas City.

Base sa paunang ulat ng Las Piñas police, binaril ng dalawang beses si Mabasa ng riding-in-tandem sa gate ng Sta Cecilia, BF Resort, Las Piñas habang lulan ng kanyang itim na Toyota Innova, may plakang NGS8294.


Agad isunugod si Mabasa sa pinakamalapit na hospital, subalit idineklarang dead on arrival.

Sa ngayon, tinitingnan pa ang go-pro o dash cam sa harap at likod ng sasakyan ng biktima para matukoy ang mga salarin.

Patuloy pa rin ang isinasagawang follow-up operation sa pagkakilalan ng dalawang suspek.



Facebook Comments