Malalimang imbestigasyon – ikinasa ng FBI sa pananaksak ng isang pulis sa Amerika

49

World – Malalimang imbestigasyon ang ikinasa ngayong ng federal Bureau of Investigation (FBI) sa pananaksak ng isang police sa flint airport sa Michigan.

Nasa mabuti nang kalagayan ngayon ang biktima na si Lt. Jeff Neville habang ang suspek ay nasa kustodiya na ng mga kapulisan.

Ayon kay Lt. David Kaiser, tagapagsalita ng Michigan state police – sinaksak ang biktima sa public side ng main terminal ng bishop international airport.


Wala din aniyang naiulat na nasugatang pasahero.

Bagamat itinuturing na “isolated” cases ng FBI, inaalam pa rin kung may kaugnayan ito sa terorismo.

Facebook Comments