DZXL RMN, tumanggap ng award mula sa Hospicio de San Jose

Photo Courtesy: Radyoman Joyce Adra

Tumanggap ng pagkilala ang DZXL RMN News Manila mula sa Hospicio de San Jose sa Maynila.

Ang plaque of recognition ay pinagkalooban ng Hospicio de San Jose sa DZXL Manila dahil sa mga pagtulong nito sa kanilang adoption program.

Ito ay sa pamamagitan ng media exposure bago ideklarang ligal na para sa adoption ang isang bata.


Ang Hospicio de San Jose ay isang Roman Catholic Welfare Institution o foster care institution na nagsisilbing tahanan para sa mga batang ulila, inabandona at may espesyal na pangangailangan.

Kumakalinga rin sila sa mga nakatatandang wala nang nag-aarugang pamilya.

Facebook Comments